Sinong superhero ang hindi mo kilala? Si Superman? Hulk? Spiderman? Iron Man? The Flash? O baka naman si Captain Barbell? Darna? Ang Panday?! Ay teka, si Cardo Dalisay ba??
Hmm..? 'Di ba 'yung hindi mo nga kilala?
Si Arman.
Natawa ka ba? O Nainis?
Bakit, kilala mo ba si Arman?
'Di ba, hindi?
Oh, kaya si Arman ang superhero na hindi mo kilala!
Pero bakit nga ba hindi mo sya kilala?
Simple lang.
Kasi 'di tulad ng mga kilala mong superheroes, walang nagawang mahalaga o naitulong si Arman sa buhay mo at ng mga tao sa paligid n'ya.
Bakit ba sa tingin mo nakikilala ang isang superhero? Dahil ba sa kakaibang costume na suot n'ya? O dahil sa naitutulong n'ya? Ang isang superhero ay nakikilala dahil sa mga mahahalagang bagay na nagagawa n'ya. Hindi kailangan ng costume. Minsan uniporme lang sapat na. Minsan nga kahit wala pa.
Anong gusto kong iparating?
Simple lang ulit:
Huwag mong hayaan na matulad ka kay Arman! Huwag mong hayaan na lisanin mo ang planetang 'to ng wala ka man lang naiambag o nagampanan na mahalagang papel sa buhay mo at sa mga taong nagmamalasakit sayo. Nosebleed!
Hindi ko sinasabing lumunok ka ng bato o tumalon ka sa 24th floor ng Enterprise Tower sa Makati...
Tumayo ka. Magsalita ka. Tumulong ka!
Iparamdam mo sa mundo na may silbi ka. Tulungan mong mabago ang buhay ng mga taong nakapaligid sa'yo. Hindi man pinansyal, at least tulungan mong i-tama ang maling mga pananaw at paniniwala nila.
Speaking of mga maling pananaw at paniniwala, heto ang ilan:
- Maling kumuha ng insurance kung bata ka pa. Eh kailan ka ba tatawag ng sasalo sa'yo, pag nahulog ka na?
- Mag-aral ng mabuti para sa magandang kinabukasan. Wala namang mali dito, kulang nga lang 'yung sentence.
- Sa networking, hindi mo kailangan maging magaling magbenta. So paano ka kikita? Paweran nalang ganon?
- Anung investment? I-bangko mo na lang ang pera mo! Safe pa! Char!
- Kaya daw walang Mercury sa SM kasi pinagtabuyan si Henry Sy dati doon. Oo, our whole life was a damn lie!
- Ang nag-imbento ng fluorescent lamp ay si Agapito Flores, isang Pilipino. Oo, hindi talaga s'ya!
- Ang nag-imbento daw ng WiFi o Wireless Fidelity ay si Wilhemyo Filisterio. Naku nga!
- Mas masayang maging mahirap kesa mayaman. Salamat teleserye writers and producers!
- Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo 'yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng isa pa kung mahal mo talaga 'yung una. Mali. Sinubukan ko. Hindi pala lahat ng quotes ni Bob Ong tama at dapat sundin.
- Pinanganak kang mahirap, mamamatay kang mahirap. Pag pinanganak kang mahirap, 'di mo kasalanan 'yun. Pero pag namatay kang mahirap, kasalanan mo na 'yun, oy!
Ano na bang nagawa mo bukod sa magreklamo tungkol sa tax, sa traffic at mag-selfie sa FB?
Ayun, nasabi ko na ang main thought ng short article na ito: huwag mong hayaang maging tulad ka ni Arman. Kung sa tingin mo may kulang sa buhay mo, hanapin mo ang sagot. Huwag kang magreklamo sa isang bagay na wala ka namang ginawa. Kung may mga pangarap ka, abutin mo!
Huwag mong pangunahan ng mga dahilan ang sarili mo. Hindi mo pa nga nasusubukan, inaayawan mo na. Kung sa tingin mo hindi mo makukuha ang mga pangarap mo sa liit ng sahod mo, gumawa ka ng paraan! Ang daming oportunidad sa labas ng apat na sulok ng opisinang kinalalagyan mo ngayon! Hindi ko sinasabing mag-resign ka. Buksan mo lang ang mga mata at utak mo para baguhin ang maling mga pananaw tungkol sa buhay -- lalo na sa pera.
Hindi mali kung pag-aaralan mo ang pera at kung paano ang tamang pag-gamit nito. Ang mali, eh 'yung sasabihin mong “Hindi naman importante ang pera sa 'kin!”. Plastik! Kung ganun rin lang pala, eh bakit ka pa nagpapakapagod para magtrabaho para mabayaran 'yung utang mo na pinambili ng celfone?
Kung uunahin mo lagi ang dahilan mo bago ka pa umaksyon, malamang, wala nga talagang pupuntahan ang mga pangarap mo. Nagsimula ang article na 'to sa isang salita sa utak ko -- “Arman”. Kung hindi ako nagtyaga na isulat lahat ng tumakbong katangahan sa utak ko, wala ka sanang binabasang kalokohan ngayon na gugulo sa natutulog mong mga pangarap.
Isa lang ang pwedeng meron ka: resulta o dahilan. Hindi naman pwedeng parehong yan eh meron ka. Kaya pumili ka ng isa.
Uulitin ko, 'wag mong hayaan na matulad ka kay Arman - walang significance. Boom!
Gusto mo bang maging si Arman? Choice mo 'yan. Tumangap ng libreng updates ‘pag nag-subscribe ka sa PisoandBeyond!
|
parang Bob Ong lang ah. hehe. nice!
ReplyDeleteAlexander the Great (356 - 323 BCE) - There's doubtlessly no inquiry concerning the truth of this man, and keeping in mind that military 'superheroes' (contingent upon whether you're on the triumphant or losing side) are very common, each country in each time has some, https://seriestv.org/
ReplyDelete