Certifications

Mga Panget Na Mukha ng Pitaka


Mukha ng Pitaka
Ang wallet ay may mukha? Malamang na-curious ka. Well oo, meron nga. Pero kung may natitira ka pang bait, dapat alam mong hindi literal ang ibig kong sabihin. (Peace!) Ang ibig sabihin ng title ng article na ‘to eh tungkol sa iba‘t ibang pagkatao mo tuwing may pera ka at wala. Malinaw ba?   

Hmm...maniniwala ka ba na sa tuwing dadaan ang pera sa mga palad mo, nag-iiba ang pagkatao mo?


Pwedeng dati pa ‘yon, pwedeng hanggang ngayon, at pwedeng napaglumaan mo na. Naka-move on ka na, ika nga. Kung hindi pa naman, kelan mu balak iwan ang lumang sarili mong ‘yan?

Hangang kelan mo balak maging ganito kabulok ang pananaw mo sa wallet mo? 

Walang mali kung pag-aaralan mo ang tamang paggamit at emosyon sa pera. Ang mali, pag mahal mo na ang pera. Sabi nila, hindi daw pera ang pinakamahalaga. Tama naman talaga. Pero ang pera ay mahalaga para mapasaya ang mga taong mahalaga sa buhay mo. 

Bawas-bawasan mo kasi yang panunuod ng teledrama, na wala na yatang ibang alam na istorya bukod sa love triangle kundi ipakita kung gano kaganid, gahaman, salbahe at ka-impakto ang mga mayayaman, at kung gaano naman kasaya at kasarap maging mahirap. Pambihira. Seryoso? Kung fan ka ng ganyang istorya, good luck sa‘yo. Malamang ayaw mo na rin kasing yumaman baka maging ganun ka din sa hate mong kontra-bida.

Pero dahil wala naman kinalaman ang intro ko sa talagang content ng article na ‘to, titigil na ko.  Tingin ko lang kasi, kung ang estudyante ay may iba‘t ibang klase, ang pitaka, dapat may iba‘t ibang mukha. Eto, kilalanin mo ang ilan...


Milyonaryong Gipit
Milyonaryong GipitSiya ‘yung karaniwang may image problem. Bumabawi sa mga branded na bagay para mapawi ang ilang kakulangan sa buhay. Kadalasan, binibili niya ‘yung isang bagay hindi dahil sa gusto o kailangan nya, kundi dahil sa ito ‘yung may approval ng tao. Pilit nyang kinukuha ‘yung "status quo na nakapaligid sa kanya. Walang savings. May utang. S‘ya rin ‘yung madalas mong kariringan ng linyang Kaya ka nga nagta-trabaho para mabili mo ‘yung mga gusto mo eh!

 

Aspaltong Mabatang
Aspaltong Mabatang
Ito naman ‘yung taong saksakan ng kuripot. Masama ba yon? Hindi naman. May problema nga lang. Anong problema? Ipon lang s‘ya ng ipon. Saan? Sa bangko. Kung saan nawawala ang halaga ng pera niya sa katagalan. Kulang nalang ilagay sa baul ang pera niya para hindi magastos o mautang ng iba. Sya rin kadalasan ang taong pinakamahirap makumbinsi para mag-invest sa ibang bagay.

 

Kapitan Asim
Kapitan Asim
Bibilib ka sa kakaibang talento ng taong ‘to sa kagustuhang makatipid. Kasi, kaya niyang i-brainwash ang sariling utak. Malabo ba? Para mas madaling intindihin, ganito: May gusto syang kotse, kaso mahal. Kaya ang gagawin niya, hahanap siya ng mas murang kapareho ng kotse na gusto niya o kaya eh hahanap ng 2nd hand. Walang problema, di ba? Kaso, sa kagustuhan na lokohin ang sarili nya, sasabihin nya sa mundo na mas mainam ‘yung kotse na meron sya kumpara dun sa gusto talaga niya. Parang pa-sadya ‘yung kotse na nabili nya na sya lang ang meron. Ang asim!

 


In-daing
In-daing
Kamag-anak nitong si In-daing si Aspaltong Mabatang. Malayo ka pa, meron na syang daing sa buhay. Kesyo bumili siya ng aso, nagkasakit ‘yung bulate sa tyan n'ya, na-opistal ‘yung inaanak ng lolo nya na kapatid ng pinsan ng tito nya at maraming pang daing. Ito ang isa na ata sa pinaka-epektibong defense mechanism kontra utang. Biruin mo, kung may balak kang utangan siya, aba, bubuka pa lang ‘yung bibig mo inunahan ka na! Tingnan ko kung makahirit ka pa!

 


Mama Yana
Mama Yana
Sa pangalan pa lang, malamang kilala mo na sya. Sya ang itinuturing na Master of Procrastination, o ‘yung palaging may teka, wait lang at mamaya sa mga gusto, dapat, at kailangang gawin sa buhay at isang bagay. 

Kaya pagdating sa pag-iipon o pag-iinvest, saka na ang laging sagot nya. Saka na ko mag-iipon madami pa kasing gastusin ngayon. Yan ang madalas nyang excuse. Narinig mo na rin ba yan?

 


Biserong Lulà
Biserong Lula
Bisero ang tawag sa batang kalabaw. Lulà naman ang tawag sa isang taong walang kakayahang magdesisyon para sa sarili. Kaya kung ano nalang ang ipayo sa kanya ng kaibigan ng kaibigan n‘ya, ‘yun nalang ang sinusunod nya. Invest dito, invest doon -- nang walang kasiguraduhan sa mga plano o risks na kasama ng bawat investment nya. Tuloy kadalasan, ito ang nagiging biktima ng mga investment scams.


- o0o -


Oh, may kamukha ka ba sa kanila?



PisoandBeyond


Nag-enjoy ka ba sa pagbabasa ng post na ‘to? Tumangap ng libreng updates ‘pag nag-subscribe ka sa PisoandBeyond!

4 comments:

  1. may milyonaryo pala na nagigipit.hihi

    ReplyDelete
  2. milyonaryong gipit == epic haha

    ReplyDelete
  3. d ko mgets ung sa aspltong mabatang? bat un tawag? haha

    ReplyDelete
  4. So meron ding mga pangit na mukha ng ATM.. lol

    ReplyDelete

Join the Discussion!

Contact Form

Name

Email *

Message *